Sa botong 19-4-1, nagpasya ang Senado na i-archive o isantabi ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Hindi pumabor sa pagsasantabi ng reklamo sina Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III, Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, Sen. Bam Aquino, at Kiko Pangilinan, habang nag-abstain naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Ayon kay Senate President Francis Escudero, ang pag-archive ay nangangahulugang “patay na ang reklamo”, ngunit maaari pa rin itong buhayin kung mabaligtad ang ruling ng Korte Suprema.
Ibig sabihin, kung sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon, maaaring muling i-revive mula sa archive ang reklamo upang ito’y muling talakayin sa Senado.
Sa kanyang paliwanag ng boto, nilinaw ni Sen. Lacson na pinili niyang mag-abstain dahil naniniwala siyang dapat sundin ang desisyon ng Korte Suprema. Gayunman, binigyang-diin niyang may nakabinbin pang motion for reconsideration, kaya’t mas mainam aniyang hintayin muna ang pinal na desisyon.