Ipinag-utos na ng National Board of Canvassers sa kanilang secretariat na simulan na ang pagpapadala ng imbitasyon sa mga nanalong senatorial candidates para sa kanilang proklamasyon.
Sa gitna ito ng pagtatapos ng canvassing ng mga boto para sa senatorial at partylist elections na inabot lamang ng tatlong araw na pinakamabilis sa kasaysayan.
Bago matapos ang sesyon kagabi, sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na kumpleto na nila ang national tally sheet para sa senatorial race gayundin sa partylist race kasama ang kani-kanilang rank.
Sa unaudited official canvassed report ng NBOC, nanguna si:
Bong Go – 27,121,073
Bam Aquino – 20,971,899
Bato dela Rosa – 20,773,946
Erwin Tulfo – 17,118,881
Kiko Pangilinan- 15,343,229
Rodante Marcoleta – 15,250,723
Ping lacson – 15,106,111
Tito Sotto – 14,832,996
Pia Cayetano – 14,573,430
Camille Villar – 13,651,274
Lito Lapid – 13,394,102 at
Imee Marcos – 13,339,227
Sinabi ni Garcia na napagkasunduan nila sa NBOC na sa Sabado ng hapon ang proklamasyon sa mga nanalong senador habang sa Lunes sa partylist group.