Kinumpirma ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya dadalo sa imbestigasyon ng Kamara tungkol sa “war on drugs” ng nakaraang administrasyong Duterte.
Inamin ni dela Rosa na ang kanyang desisyon ay batay na rin ito sa payo sa kanya ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Sinabi ng senador na hiningan niya ng payo ang Senate President kung ano ang dapat na gawin dahil kung siya lang naman ay walang problema na harapin ang mga kongresista kahit anong oras.
Subalit kailangan niyang sundin ang gabay ng Senate President bilang myembro ng institusyon na Senado.
Ipinaliwanag ni anya sa kanya ni Escudero na hindi niya kailangang humarap sa imbestigasyon ng Kamara at kapag ginawa niya ito ay binabali niya na ang inter-parliamentary courtesy.
Sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na imbitasyon si Dela Rosa mula sa House Committee on Human Rights na nagsisiyasat ngayon sa mga alegasyon ng “extrajudicial killings” sa kampanya kontra iligal na droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan PNP Chief noon ang senador.