dzme1530.ph

Imbestigasyon sa sinasabing PDEA leaks, ipinagpapatuloy sa Senado

Nasa Senado ngayon ang aktres na si Maricel Soriano upang dumalo sa kontrobersiyal na usapin kaugnay sa PDEA leaks o ang pag-leak ng pre-operational report kung saan binanggit ang pangalan nito na nasasangkot sa paggamit ng iligal na droga.

Ang hearing ay pinamumunuan ni Sen. Ronald dela Rosa bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nag-giit na ang investigation ay in aid of legislation at hindi in aid of persecution.

Ang aktres ay inalalayan ng kasamahan din nitong aktor na si Sen. Robinhood Padilla na umapela rin sa pagdinig na bigyang respeto ang mga artista lalo na ang mga nadadamay sa usaping pulitika.

Ipinaalala ni Padilla na tulad ng ibang mga opisyal, pinangangalagaan din ng mga artista ang kanilang mga imahe.

Samantala, ipinag-utos ni dela Rosa na isyuhan ng subpoena ang general manager ng Rockwell makaraang tumangging ilabas ang impormasyon sa kung sino ang nagmamay-ari sa unit 46-C Rizal Tower Rockwell Makati City dahil sa pagtugon sa Data Privacy Act.

Ang naturang unit ang nakalagay sa pre-operation report na lugar na subject ng operasyon dahil dito gumagamit ng droga ang ilang personalidad.

Ipinatawag din sa pagdinig si dating Executive Secretary Paquito Jojo Ochoa Jr dahil siya ang pinangalangan ni dating PDEA investigator na humarang sa ikinasang operasyon sa condo unit.

Subalit nagpadala ng sulat si Ochoa at sinabing may conflict sa iba niyang aktibidad ang hearing.

About The Author