dzme1530.ph

Imbestigasyon sa palpak na water utilities, inaasahang sisimulan na ng Senado

Loading

Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na agad na ring maisasagawa ng Senate Committee on Public Services ang imbestigasyon sa reklamo laban sa palpak na serbisyo ng ilang water utilities.

Ayon sa senadora, nairefer na sa nasabing komite ang kanyang Senate Resolution No. 16 para busisiin ang mga joint venture agreements ng gobyerno sa mga private water concessionaires.

Giit ni Hontiveros, ang isyu ng maruming tubig ay usapin ng dignidad sa bawat tahanan.

Maging ang mga catch-up plans ng concessionaires, aniya, ay hindi na rin sapat kaya’t nararapat nang magpatawag ng pagdinig.

Kabilang sa nais niyang maimbitahan sa hearing ay ang mga ahensyang may kinalaman sa water service, ang mga pribadong kumpanya, at iba pang stakeholders.

About The Author