Naniniwala si Sen. Ronald Bato dela Rosa na nagiging political na ang imbestigasyon ng Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni dela Rosa na mas dapat na ang Korte na ang tumalakay sa mga alegasyon laban sa pastor at hindi ang Senado.
Wala rin anya siyang nakikitang panukalang batas na posible mabuo sa imbestigasyon ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Tahasan ding sinabi ni Dela Rosa na hindi siya naniniwala na kayang gawin ni Quiboloy ang mga alegasyon ng pang-aabuso na ibinabato sa kanya.
Bukod anya sa magkaibigan sila at pareho silang taga-Mindanao, mataas ang respeto ni dela Rosa kay Quiboloy kaya hindi siya naniniwala sa mga alegasyon.
Subalit paglilinaw ng senador na hindi naman niya alam ang lahat ng ginagawa ni Quiboloy dahil hindi naman niya ito nababantayan maghapon magdamag.
Subalit naniniwala siyang son of God si Quiboloy kaya malabo na guilty siya sa ga alegasyon sa kanya.