dzme1530.ph

Imbestigasyon ng House Committee on Human Rights sa EJK, hindi si Duterte ang puntirya

Hindi si Former President Rodrigo Duterte ang puntirya sa gagawing imbestigasyon ng House Committee on Human Rights sa Extra Judicial Killings (EJK) na kunektado sa campaign Against Illegal Drugs ng nakalipas na administrasyon.

Ito ang tiniyak ni Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang Chairman ng komite.

Ayon kay Abante, makakaasa ang publiko sa patas na pag-iimbestiga dahil ang layunin lamang nito ay hanapin ang katotohanan sa umano’y EJK at hindi ang manisi ng iba.

Ilan sa mga nais ipatawag ay mga dating opisyal ng Duterte administration gaya ni Former Department of Justice (DOJ) Secretary Minardo Guevarra, Former Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, mga opisyal ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), at mga magulang ng namatay dahil sa droga.

Walang plano si Abante na paharapin si dating Pangulong Duterte at dating PNP Chief na ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa ngalan ng parliamentary courtesy.

Bibigyan din nito ng pagkakataon na makabigay ng salaysay ang mga magulang at kaanak ng EJK victims, partikular ang mga minor de edad.

About The Author