Nagkasa na ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkamatay ng grade 5 student, na umano’y sinampal ng kaniyang guro sa Antipolo City.
Ayon sa komisyon, ikinukonsidera rin nila ang pagsisikap ng mga law enforcement na mapatawan ng parusa ang may sala sa insidente.
Kaugnay nito, nagpahayag ang CHR ng pakikiramay sa pamilya ng biktima, kasabay ng panawagang hustisya at paghimok sa kinaukulang ahensya ng gobyerno na magbigay ng suporta at tulong.
Hinikayat din ng komisyon ang pamahalaan na palakasin pa ang lehislatibo, administratibo, at mga hakbangin na titiyak sa proteksyon ng mga bata bilang bahagi ng vulnerable sectors. –sa panulat ni Airiam Sancho