dzme1530.ph

Imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills, sinimulan na ng Office of the Ombudsman

Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang sarili nitong imbestigasyon kaugnay sa konstruksyon ng isang resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Kinumpirma ito ni Ombudsman Samuel Martires na kahapon pa umarangkada ang pagsisiyasat ng kanilang mga imbestigador.

Nagtungo aniya ang isa sa opisina ng regional executive director sa Cebu, habang ang tatlo pa ay nagpunta sa Bohol para mangalap ng mga dokumento.

Inaasahan ni Martires na ngayong araw nila matatanggap ang listahan ng mga miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB) na nag-isyu ng business permit at building permit para sa naturang resort.

About The Author