Mariing itinanggi ni Ilocos Norte Cong. Sandro Marcos, na siya ang mamumuno sa Maharlika Investment Corporation (MIC).
Ayon kay Marcos, Senior Deputy Majority Leader ng Kamara, walang katotohanan ang lumutang na impormasyon na siya ang itatalagang President and Chief Executive Officer ng MIC at mamamahala sa kauna-unahang Sovereign Wealth Fund ng bansa.
Ayon sa batang Marcos, bukod sa hindi siya interesado sa naturang posisyon, inamin din nito na hindi siya qualified sa posisyon.
Sa September 27 ang deadline sa pagsusumite ng application para sa mga interesadong maging bahagi ng MIC board.
Gayunman, ongoing pa rin ang search o paghahanap ng bubuo sa board ng MIC, kabilang ang President at CEO, dalawang regular directors at tatlong independent directors.
Tiwala naman ang Department of Finance na bago matapos ang 2023 gugulong na ang Maharlika Investment Fund. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News