dzme1530.ph

Illegal gambling, patuloy na namamayagpag —PCSO

Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga insidente ng karahasan na may kinalaman sa illegal gambling.

Sa Partners Forum sa PCA, inihayag ni PCSO General Manager Mel Robles na umaasa silang magkakaroon ng mas intensibong kampanya laban sa iligal na sugal ang pulisya ngayong bago na ang hepe nito.

Ani Robles, lalo pa’t nanganganak umano ng iba pang ka-iligalan ang sugal katulad ng illegal drugs, kidnapping, murder at gun running.

Ang insidente ng pamamaslang sa Cotabato na ikinasawi ng isang small-town-lottery collector at ang pangyayari sa Negros ay itinuturing na resulta nang pamamayagpag ng mga gambling lords. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author