dzme1530.ph

Ilang upuan sa NAIA Terminal 2, pinamugaran ng surot

Pinamugaran ng surot ang ilang upuan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, na nagdulot ng iritasyon sa ilang mga pasahero.

Kabilang sa mga nabiktima ng surot ang isang registered nurse na nagtamo ng pamumula at pamamantal ng balat matapos umupo sa rattan chair na nasa Arrival area noong nakaraang linggo.

May isa ring babaeng pasahero ang nagkaroon ng rashes at maliliit na kagat sa hita, makaraang maupo sa metal bench ng terminal.

Ang pamemeste ng bedbugs o surot ay naranasan din kamakailan sa ilang hotel sa Paris, France, maging sa Hong Kong at South Korea.

About The Author