![]()
Pinagmulta ng Department of Agriculture ng P81 milyon ang ilang supplier at contractor dahil sa pagkaantala ng delivery ng farm inputs noong 2025.
Kasama sa mga naitalang late delivery ang mga pataba, binhi, at kagamitan sa sakahan.
Bukod dito, natuklasan din ang mabagal na implementasyon ng mga government-funded projects ng may 100 suppliers at contractors.
Naitala ang may pinakamalaking multa sa Cagayan Valley na may 28.5 million pesos; sinundan ng Ilocos Region na may 18.2 million pesos; at Central Luzon na may 15.4 million pesos.
Iginiit ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mahalaga ang on-time na delivery ng mga inputs at projects para matulungan ang mga magsasaka na lumakas ang kanilang produksiyon.
