dzme1530.ph

Ilang senaryo para sa pagtalakay sa impeachment complaint laban kay VP Duterte, inilatag

Loading

Inilatag ng ilang senador ang mga posibleng senaryo sa pagtalakay sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte makaraang hindi ito maihabol sa huling araw ng sesyon ng Senado, kagabi.

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, posibleng sa pagbabalik pa nila sa June 2, masimulan ang pagtalakay ng mga senador sa articles of impeachment laban kay VP Sara.

Ipinaliwanag naman ni Sen. Joel Villanueva na kinakailangang mabasa muna sa plenaryo at mairefer sa kaukulangang kumite ang articles of impeachment bago makagawa ng kinakailangang hakbang.

Sa sandali aniyang mairefer na sa kumite ang reklamo ay maaari na itong talakayin kahit abutan pa ng break ng sesyon.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na mayroong extraordinary situation na maaari pa ring matalakay ang impeachment kahit nakabreak na ang Kongreso at hindi ito naendorso sa plenaryo.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kung magkakaroon ng 100 percent unanimity o consent at walang tututol mula sa lahat ng senador na kanilang iwe-waive ang kanilang rules at payagan ang pagtalakay ay maisasakatuparan ito.

Subalit nilinaw ni Pimentel na ito ay para sa pambihirang pagkakataon lamang at hindi pa nangyari sa kasaysayan ng bansa.

Nilinaw din naman nina Villanueva at Pimentel na kung matapos ang 19th Congress at hindi natapos ang pagtalakay sa articles of impeachment, maaaring saluhin ng 20th Congress ang pagtalakay sa mga reklamo.

About The Author