dzme1530.ph

Ilang senador, no comment muna sa impeachment complaint laban kay VP Sara

Hindi muna magkokomento ang ilang senador kaugnay sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, no comment muna siya dahil posibleng magsilbi sila bilang senator judges sa oras na iakyat ng Kamara sa Senado ang nasabing reklamo.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na bilang isang abogado, nais muna niyang makita ang nilalaman ng reklamo bago magbigay ng anumang pahayag ukol dito.

Una namang sinabi ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada na hindi pinaguusapan ng mga senador ang tungkol sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente at saka lamang sila makikialam  kapag isinumite na sa Senado ang reklamo.

Kahapon ay naghain na ng reklamong impeachment ang ilang advocacy groups laban kay VP Sara sa kabila ng naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magdudulot lamang ng pagkakahati hati sa bansa ang pagsusulong ng impeachment sa Pangalawang Pangulo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author