dzme1530.ph

Ilang senador, naninindigang panahon nang rebisahin ang EPIRA law

Iginiit ng ilang senador na napapanahon nang maresolba ang mga isyu at problema na may kinalaman sa power sector sa bansa.

Kinatigan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA na rebisahin na ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law.

Sinabi ni Pimentel na masusi nilang pag-aaralan ang batas para matiyak na ito talaga ang lulutas sa mga problema sa enerhiya lalo na sa mataas na singil sa kuryente, kakulangan sa supply at mga nararanasang power outage sa ilang lugar sa bansa dahil sa pagpalya ng mga planta ng kuryente.

Sa panig naman ni Senador Imee Marcos, sinabi niya na hihintayin nila ang isusumite ng malacanang na pinal na panukalang amendments sa EPIRA law na naglalayong mapababa ang singil sa kuryente sa bansa.

Nakahanda anya silang suriin ang panukala at talakayin upang tuluyang mabago ang batas.

Sinabi pa ni Marcos na sa kanyang pagkakaalam, ipinasa ang EPIRA law dahil sa malaking pagkakautang noon ng National Power Corporation.

About The Author