dzme1530.ph

Ilang senador, nagpaabot na ng tulong sa mga biktima ng kalamidad

Loading

Nagpaabot na rin ng tulong ang ilang mga senador para sa mga biktima ng matinding pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Unang sinaklolohan ni Sen. Joel Villanueva ang kanyang mga kababayan sa Paombong, Marilao, San Miguel, San Ildefonso, at Plaridel sa Bulacan, partikular ang mga nananatili sa evacuation centers, kung saan namahagi siya ng tulong.

Sa bahagi naman ng Barangays Masambong, Manresa, Bahay Toro, at Katipunan sa Quezon City nagtungo si Senador Lito Lapid upang magbigay ng relief goods at hot meals. Umikot din ang kanyang team sa Biñan, Laguna gayundin sa San Mateo at Montalban sa Rizal.

Nag-ikot din si Sen. Erwin Tulfo sa mga lungsod ng Quezon at Maynila para mamahagi ng relief goods at donasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Hindi rin iniwan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang kanyang mga kababayan sa Valenzuela City na ilang araw na niyang nililibot at binibigyan ng kaukulang tulong.

Samantala, namahagi rin si Sen. Bong Go ng relief goods at hot meals kasama ang kanyang Malasakit Team sa Maynila, Quezon City, Pasig City, Taguig, at Pateros, gayundin sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, Cavite, Bulacan, at Bataan.

Nag-ikot din ang grupo ni Sen.Risa Hontiveros sa Caloocan, Quezon City, Maynila, at Valenzuela, habang ang team ni Senador Imee Marcos ay nag-abot ng tulong sa Quezon City, Marikina, at sa lalawigan ng Rizal.

 

About The Author