dzme1530.ph

Ilang Senador, magsasagawa ng inspeksyon sa POGO hub sa Pampanga

Kinumpirma ni Sen. Win Gatchalian na magsasagawa ng inspeksyon ang ilang mga senador sa ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Sinabi ni Gatchalian na hinihintay lang nila na matapos ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagsususri sa bawat gusali ng Lucky South 99.

Binigyan ng sampung araw ang PAOCC na tapusin ang kanilang paghahalughog sa POGO hub at pagkatapos aniya nito ay saka sila pupunta doon para magkasa ng inspeksyon at sariling imbestigasyon.

Iginiit ni Gatchalian na kinakailangang mailantad ang modus operandi ng POGO sa Porac at hindi aniya sila pwedeng mapagod dito.

Muli ring nanawagan si Gatchalian kay Pang. Bongbong Marcos na gamitin na ang kapangyarihan nito na magpatupad na ng total ban sa mga POGO lalo’t maituturing na itong national security threat sa bansa.

About The Author