dzme1530.ph

Ilang senador, dumipensa sa paggabay ni Sen. Villanueva kay Sen. Marcos sa debate kaugnay sa impeachment trial

Loading

Walang nakikitang masama ang mga senador sa pagtulong ni Sen. Joel Villanueva kay Sen. Imee Marcos sa gitna ng manifestation ni Sen. Risa Hontiveros sa debate kaugnay sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni  Senate minority leader Aquilino Pimentel III na posibleng nagtanong si Marcos kay Villanueva sa procedures at bilang dating majority leader at kabisado ang rules ay nagmagandang loob siyang tumulong.

Tinukoy ni Pimentel ang video na kumalat sa social media na tinuturuan ni Villanueva si Marcos kung paanong magsulong ng point of order.

Sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na kahit sino namang senador ay maaaring gumamit ng point of order kung nais kuwestyunin ang posibleng paglabag sa kanilang rules.

Maging si Sen. Robin Padilla ay dumipensa kay Villanueva at sinabing matulungin lamang si Villanueva lalo na’t beterano na rin siyang mambabatas.

Nakatanggap ng samu’t saring batikos si Villanueva dahil sa tila panghaharang umano sa pagsasalita ni Hontiveros.

Binigyang-diin ng mga senador na parte ng debate at malayang talakayan sa plenaryo ang iba’t ibang paraan upang mailabas ang saloobin at paniniwala ng bawat isa pero sa dulo ang kagustuhan palagi ng mayorya ang nasusunod.

About The Author