dzme1530.ph

Ilang sementeryo, nasira at lubog sa baha bago ang Undas

Abala ang hatid sa mga maagang nagtungo sa mga sementeryo para dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay, ilang linggo bago ang paggunita sa Undas.

Ilang sementeryo kasi sa bahagi ng Luzon ang lubog sa baha, gaya sa Sta. Iglesia Katoliko Public Cemetery sa Masantol, Pampanga, kung saan naglutangan ang mga basura.

Baha na may kasamang lumot naman ang makikita sa Holy Spirit Memorial Park habang lubog din sa tubig ang Santa Elena Cemetery na kapwa matatagpuan din sa Masantol.

Samantala, sa Macabebe, Pampanga ay makapal na ang water lilies na tumubo sa baha, habang wala pang naglilinis ng mga nitso o nagsisindi ng mga kandila sa Barangay San Sebastian sa Hagonoy, Bulacan dahil sa maitim at mabahong tubig.

Sa bahagi naman ng public cemetery sa Sarrat, Ilocos Norte, ilang libingan ang lalo pang nalibing  makaraang bumagsak ang isang pader dahil sa epekto ng nagdaang Habagat at Bagyo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author