dzme1530.ph

Ilang seaweeds plantation sa Palawan, naapektuhan ng oil spill mula sa Oriental Mindoro

Kinumpirma ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na may ilang seaweeds plantation sa kanilang lalawigan ang naapektuhan ng oil spill mula sa Oriental Mindoro.

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Palawan PDRRMO Head Jerry Alili na inaalam pa nila ang lawak ng pinsala ng oil spill sa seaweed farms partikular sa Brgy. Calawag sa bayan ng Taytay.

Tiniyak naman ni Alili na tuloy-tuloy ang clearing operations katuwang ang Philippine Coast Guard, at umabot na sa 150 litro ng langis ang nakolekta sa Brgy. Calawag na isang coastal area.

Gumawa na rin ng oil spill booms o pangharang sa langis ang iba pang bayan sa Palawan, habang nilagyan na rin ng proteksyon ang tourism establishments.

Sa ngayon ay hindi pa magpapatupad ng fishing ban ang Palawan dahil hindi naman umano ganoong karami ang nakitang langis sa kanilang lugar.

About The Author