Nakaapekto na sa kalusugan ng ilang residente sa batangas ang patuloy na paglalabas ng asupre ng Bulkang Taal.
Ayon kay Laurel, Batangas Mayor Lyndon Bruce, umabot na sa halos 100 residente na karamihan ay mga bata ang nakararanas ng ubo at iba pang respiratory problems.
Dahil dito, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa lugar bunsod ng mataas na volume ng smog na ibinibuga ng Bulkang Taal.
Patuloy naman na pinapaalalahanan ng alkalde ang mga residente na mag-ingat, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng face mask upang maiwasang malahanghap ang volcanic smog. —sa panulat ni Airiam Sancho