dzme1530.ph

Ilang pasahero ng MRT, natuwa sa pa-libreng sakay ngayong Araw ng Kalayaan

Maraming komyuter ang natuwa sa ikinasang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw kasunod ng pagdiriwang ika-125 araw ng kalayaan.

Ayon sa mga pasahero, bukod sa maluwag ang tren dahil holiday, ay malaking tulong at tipid na rin ito para sa kanila.

Gayunman, ipinanawagan ng mga ito na sana ay hindi lang tuwing may okasyon ang libreng sakay para hindi na ito dumagdag pa sa kanilang mga pang araw-araw na gastusin.

Nabatid na nagpatupad ang MRT ng mga libreng sakay, bilang pakikiisa sa independence day simula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. —sa panulat ni Jam Tarrayo

Maaaring larawan ng text na nagsasabing 'MetroRailTransit DOTr MRT-3 LIBRENG SAKAY SA ARAW NG KALAYAAN JUNE 12, 2023 7:00 AM 9:00 AM 5:00 PM 7:00 PM 3071-C DOTr DOTMRT-3 MRT-3 @dotrmrt3 www.dotrmrt3.gov.ph'

About The Author