dzme1530.ph

Ilang pamilya sa Davao City, inilikas bunsod ng matinding pagbaha

Inilikas ang ilang pamilya sa Davao City dahil sa pagbaha matapos makaranas ng malakas na pag-ulan dala ng localized thunderstorms at Habagat.

Ayon kay Barangay Matina Crossing DRRMO head Rommel Fajardo, bandang alas-7:00 kagabi nang umabot sa kritikal na antas ang tubig sa Matina River dahilan para agad ilikas ang may apat na pamilya na binubuo ng 14 na indibidwal sa Arroyo Compound Golden Valley.

May gumuho ding bahagi ng lupa sa isang kalsada sa Barangay Baganihan, Marilog District, dahil pa rin sa ulan, patuloy na pinag-iingat ng otoridad ang mga motorista sa lugar upang maka-iwas sa disgrasya.

Samantala, suspendido naman ang trabaho at klase sa lahat ng antas sa Brgy. Panacan, Davao ngayong araw.

Sa ngayon, balik na sa normal ang lebel ng tubig sa mga ilog sa lungsod base sa latest monitoring ng Davao CDRRMC. —sa panulat ni J0ana Luna

About The Author