dzme1530.ph

Ilang mga gusali sa bansa, bagsak sa Building Code Shake Test

Ilang high-rise buildings sa bansa ang bigong maabot ang requirements ng National Building Code of the Philippines nang isailalim sa Earthquake Shake Tests.

Sa pag-aaral na isinagawa ng PHIVOLCS at Tokyo Institute of Technology ng Japan, mahigit 100 buildings sa Metro Manila at Cebu City ang isinalang sa pagsusuri.

Layunin ng naturang pag-aaral na tulungan ang building owners at developers na patatagin ang existing structures at tiyaking tumatalima sila sa building code.

Batay sa findings, mas matagal ang paggalaw ng mga gusali sa Pilipinas kumpara sa mga building sa Japan.

Sinabi ni Phivolcs Director, Dr. Teresito Bacolcol na mayroong “engineering interventions” na maaring gamitin para tumibay ang high-rise buildings.

About The Author