dzme1530.ph

Ilang matataas na opisyal ng PNP, binalasa matapos ang magbitiw sa pwesto si QCPD Dir. Nicolas Torre

Binalasa ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos magpasa ng courtesy resignation si Quezon City Police District (QCPD) Director P/brig. Gen. Nicolas Torre dahil sa isyu ng dating pulis na nagkasa baril at nambatok sa isang siklista, kamakailan.

Dahil ditto, nagpatupad ng regodon si PNP Police Chief P/gen. Benjamin Acorda Jr. sa ilang matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

Inilipat si Public Information Chief P/brig Gen Redrico Maranan bilang Acting District Director ng Quezon City – National Capital Region na pinanggalingan ni Torre.

Habang papalit naman kay Maranan si PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo bilang Acting Chief ng Public Information Office ng PNP.

Nauna nang sinabi ni Gen. Torre na nais muna nitong magpahinga para na rin magbigay-daan sa gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa kinasangkutang isyu.

Epektibo ang balasan kahapon, August 31, 2023. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author