dzme1530.ph

Ilang lugar sa Bulacan, lubog pa rin sa baha sa gitna ng mga pag-ulan dala ng pinaigting na Habagat

Lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Bulacan, kahit ilang araw ng nakalabas ng bansa ang bagyong Enteng subalit nagpapatuloy ang mga pag-ulan na dala ng pinaigting na Habagat.

Nananatili pa rin ang tubig-baha sa Marilao, Meycauayan, Balagtas, at Guiguinto.

Dahil sa nagpapatuloy na maulang panahon, nagsisilbing banta sa mga kalapit na barangay ang ilog ng marilao dahil mabilis itong umapaw.

Ang malala pa nito, iniinda ng mga residente ang apat na araw nang paglutang ng mga basura mula sa nabanggit na ilog.

Samantala, atubili pa ring bumiyahe ang ilang tsuper sa MacArthur Highway dahil above gutter pa rin ang tubig-baha sa naturang kalsada. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author