dzme1530.ph

Ilang lugar sa bansa, nagsuspinde ng pasok sa mga paaralan bunsod ng mainit na panahon

Ilang lugar ang nagdeklara ng suspensyon ng klase bunsod ng napakainit na panahon.

Simula noong Lunes ay suspindido ang pasok sa mga paraalan sa lahat ng antas sa Negros Occidental, dahil inaasahang papalo sa 41°C ang heat index sa lugar.

Sinuspinde rin ang pasok sa Elementary hanggang Senior High Schools sa Bacolod City upang protektahan ang mga mag-aaral, mga guro, at iba pang staff sa napakatinding init na maaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke.

Samantala, sa pagtaya ng PAGASA, average na 37°C hanggang 38°C na temperatura, na may average heat index na 40°C hanggang 43°C ang inaasahan sa Metro Manila simula ngayong Marso hanggang Mayo.

About The Author