dzme1530.ph

Ilang kumpanya sa flood control projects, posibleng front lamang ng tiwaling DPWH officials

Loading

Naniniwala ang ilang senador na posibleng ginamit ng ilang district engineers ng Department of Public Works and Highways ang pangalan ng Wawao Builders para sa ilang flood control projects, partikular sa lalawigan ng Bulacan.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na kailangan pang lumabas ang tunay na modus na ipinatutupad ng mga district engineer, kabilang ang posibilidad na paggamit ng lisensya ng ilang kumpanya habang sila mismo ang gumagawa ng proyekto.

Hinala naman ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na posibleng front lamang ang Wawao Builders ng mga tunay na sangkot sa iregularidad.

Ito aniya ang dahilan kaya’t wala ring masabi sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si Mark Allan Arevalo, ang may-ari ng Wawao Builders.

Samantala, ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na dalawang opisyal ng DPWH sa Bulacan ang itinuturing na big-time gamblers.

Isa aniya sa mga ito ay nakapagpatalo ng P300 milyon sa casino, habang ang isa ay higit pa roon. Kapwa umano sila gumamit ng alyas o fictitious names upang itago ang pagsusugal, at natuklasang salary grade 19 lamang ang mga ito, kaya walang duda na galing sa nakulimbat na pondo ang perang ipinatalo.

About The Author