dzme1530.ph

Ilang kumpanya at exporters sa Pilipinas, maaaring magsara sakaling magpatuloy ang trade war

Loading

Posibleng magsara ang ilang kumpanya at exporters sa Pilipinas kung magpatuloy ang trade war sa pagitan ng Estados Unidos at iba pang bansa.

Ito ang babala ni tax expert at analyst Mon Abrea kaugnay ng 20% tariff rate na ipinataw ng Estados Unidos sa ilang Philippine exported goods.

Ayon kay Abrea, dapat nang paghandaan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbaba ng demand sa mga produktong gawa sa Pilipinas sa pandaigdigang merkado.

Iminungkahi rin nito ang paglalaan ng tulong sa exporters, local manufacturers, at industriya ng agrikultura, na posibleng malugi o mawalan ng trabaho kung magpapatuloy ang tensyon sa kalakalan.

Paliwanag ni Abrea, mas nararapat bigyang-prayoridad ng gobyerno ang local industries bago ang sektor ng agrikultura, dahil sila ang unang tatamaan ng ipinataw na taripa ng Estados Unidos.

About The Author