Pinunan na ng Senado ang ilan sa mga nabakanteng posisyon sa mga komite kasunod ng pagpapalit ng liderato noong Lunes.
Sa sesyon kagabi, napagkasunduan na ang pagtatalaga ng bagong chairman ng ilang kumite.
Kabilang na rito ang mga sumusunod na kumite:
-Economic Affairs para kay Sen. Migz Zubiri
-Government Corporations and Public Enterprises kay Sen. Mark Villar
-Trade and Industry kay Sen. Alan Peter Cayetano
-Energy kay Sen. Pia Cayetano
-Finance kay Sen. Grace Poe
-Higher, Technical and Vocational Education kay Sen. Alan Peter Cayetano
-Justice and Human Rights kay Sen. Sonny Angara
-Sustainable Development Goals kay Sen. Nancy Binay
-Local Government kay Sen. JV Ejercito
-Labor and Employment kay Sen. Joel Villanueva
-Public Services kay Sen. Raffy Tulfo
-Tourism kay Sen. Lito Lapid
-Urban Planning, Housing and Resettlement kay Sen. Imee Marcos
-Ethics kay Sen. Francis Tolentino
-Regional Comprehensive Economic Partnership oversight committee kay Senate President pro tempore Jinggoy Estrada
Samantala, hindi naman nagresign na Chairman sa kanilang mga komite si Senator Loren Legarda sa Committee on Culture and the Arts at si Senator Sherwin Gatchalian sa Committees on Basic Education at Ways and Means.