dzme1530.ph

Ilang kalsada sa NCR, isasara dahil sa rotomilling

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng “rotomilling” o ang proseso ng pagbabakbak ng lumang aspalto sa kalsada, pati na asphalt overlaying sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila sa loob ng ilang araw.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga kalsada ay sasailalim sa repairs tuwing alas-11:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga lamang, kaya pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa traffic.

Kabilang sa mga kalsada na maaapektuhan ang Rodriguez Jr. Ave. (Northbound) mula sa harapan ng Eastwood Intersection hanggang kanto ng Police Station 12; Maginhawa St., Malingap St. hanggang Matiwasay St.;   Aurora Blvd. (Eastbound) mula Anonas St. hanggang J.P. Rizal St.; at Aurora Blvd. (Eastbound) mula Broadway Ave. hanggang Gilmore Ave. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author