dzme1530.ph

ILANG JEEPNEY DRIVERS, TIGIL MUNA SA PAMAMASADA BUNSOD NG PAGSIRIT NG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO

Loading

Ilang jeepney drivers ang nagpasya munang tumigil sa pamamasada bunsod ng napakalaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
 
Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, dumaing sa kanya ang nakausap niyang grupo mula sa Tayuman–Blumentritt na talagang napakabigat ng itinaas sa presyo ng langis at hindi nila kakayanin.
 
Para maitawid ang pangangailangan ng kanilang pamilya, posibleng mag-construction muna ang mga tsuper o kaya ay magtinda ng barbeque.
 
Samantala, ipinapanawagan naman ng grupong Piston ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pag-alis sa value added tax at excise tax.
 
Kinuwestyon din ni Piston President Mody Floranda kung ano ang saysay ng fuel subsidy kung tuloy-tuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo.

About The Author