Kadalasang problema ng mga ina ang rashes sa mga sanggol dahil sensitive ang mga balat nito.
Ilan sa home remedies na nakatutulong upang maibsan o mawala ang mga pantal ay ang paghalo ng apple cider vinegar sa tubig bilang pampaligo ng sanggol.
Ito ay may taglay na acetic acid properties na tumutulong upang mapigilan ang paglaki o pagdami ng rashes.
Maaari ring ipahid ang olive oil na may anti-inflammatory at antimicrobial properties sa makating diaperrashes.
Maganda ring panlaban sa mga pantal ang coconut oil na tumutulong upang mapanatiling hydrated at mapalambot ang balat.
Gayunman, paalala ng mga eksperto na kung makikitang lumala
Ang rashes ng iyong sanggol, ay agad na magpasuri sa doktor. —sa panulat ni Airiam Sancho