![]()
Naglatag si Senador Kiko Pangilinan ng ilang hakbangin upang maibaba ang presyo ng agricultural products. Ito ay kasunod ng impormasyon na umakyat na sa P1,000 ang bawat kilo ng siling labuyo.
NIlinaw naman ni Pangilinan na basic naman na kaalaman na kapag maulan, konti ang suplay ng silli kaya mataas din ang presyo nito. Sinabi ng sendor na mahigit dalawang bilyong piso ang nakalaan sa 2026 national budget para sa high-value crops tulad ng sili.
Kaya naman suportado niya ang DA sa kanilang mga solusyon sa pagpapababa ng tumataas na namang presyo ng sili.
Kabilang dito ang payo na magtanim sa mas maraming lugar, hindi lang sa Bicol; salagin ang bagyo ng mga greenhouse at tamang imbakan para sa sili, at taymingan ang pagtatanim at pag-aani ng sili.
