dzme1530.ph

Ilang grupo ng mga kabataan, nagkilos-protesta sa US Embassy kasabay ng pagdiriwang ng Phil-Am Friendship Day

Nagkasa ng kilos protesta ang ilang youth groups sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila kasabay ng ika-69 na taong pagdiriwang ng Philippine-American Friendship Day.

Nanguna sa naturang protesta ang Youth for Nationalism and Democracy (YND) group.

Ipinanawagan ng grupo na alisin na ang presensya ng American forces sa bansa na nakikibahagi sa Philippine Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) dahil madadamay lamang anila ang Pilipinas sa mga digmaang kinasasangkutan ng Estados Unidos.

Ayon sa YND, sa bilateral defense guidelines na nilagdaan noong Mayo a-3, hinigpitan ng us sa pamamagitan ng pentagon ang pagkakahawak nito sa bansa at inilalagay ito sa linya ng apoy sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng US at China.

Samantala, matapos ang ilang minutong demonstrasyon, payapa namang umalis ang grupo sa harapan ng embahada ng Amerika. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author