dzme1530.ph

Ilang food products, hindi muna magtataas ng presyo, ayon sa DTI

Walang nakikitang pagtaas sa presyo sa iba’t ibang food products ang Department of Trade and Industry (DTI ), sa ngayon.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, supervising head ng consumer protection group ng ahensya, resulta ito ng kanilang pakikipagpulong sa mga manufacturer bilang tulong sa mga consumer, sa harap ng epekto ng El Niño, pati na rin ang inflation.

Aniya, kabilang sa mga nangako na hindi muna magtataas ng presyo ay processed foods, bottled water, processed milk, at instant noodles.

Sinabi ni Nograles na bawat manufacturer ay binigyan ng iba’t ibang terms, kung saan ilan ang nag-commit ng 60-day price freeze, subalit iba-iba ang starting dates.

 

About The Author