dzme1530.ph

Ilang barangay sa Pasay makararanas ng water service interruption ayon sa LGU

Inanunsyo ng Pasay City LGU na makararanas ng pagkawala ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Lungsod ng Pasay.

Ayon sa LGU ito ay dahil sa gagawing maintenance activity ng Maynilad sa bahagi umano ng Pasay Pumping Station.

Isasagawa ang nasabing aktibidad mula Okt. 23, 2024, alas-12 ng hating-gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan, Okt. 24, 2024.

Apektado ng water service interruption ang mga sumusunod na barangay:

Barangay 10 hanggang 13, 26, 28 hanggang 31, 38 hanggang 40, 76 hanggang 78, 145 hanggang 153, 156, 159, 161 hanggang 163, 165 hanggang 167, 169, 171 hanggang 175, 178, 179, 181, 184, 186 hanggang 195 at 197 hanggang 200.

Pinapayuhan ang mga Pasayeño na mag-handa at mag-ipon ng tubig bago ang nasabing water interruption. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author