dzme1530.ph

Ilang barangay sa Calumpit, dalawang linggo nang lubog sa baha

Loading

Dalawang linggo nang nakalubog sa tubig baha ang mga residente sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Calumpit, Bulacan

Hanggang ngayon ay hanggang dibdib pa rin ang baha sa mga Barangay Meysulao at Gatbuca.

Sa Barangay Frances, kailangang maglakad ng mga residente sa dalawang kilometrong baha kung ayaw nilang sumakay ng bangka.

Samantala, lagpas-tao naman ang taas ng baha sa Barangay San Miguel, kung saan mahigit isanlibo’t apatnaraang kabahayan ang nakalubog pa rin sa tubig.

Karamihan sa mga residente sa naturang barangay ay kasalukuyang nanunuluyan sa bagong tayong evacuation center.

About The Author