dzme1530.ph

Ilang bahagi ng Quezon City, mawawalan ng tubig sa June 19

Makararanas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Quezon City simula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw bukas June 20.

Ayon sa Maynilad, apektado ng water interruption sa QC ang ilang kalsada sa Brgy. Bagbag, San Bartolome, Talipapa, Nagkaisang-Nayon, Sauyo at Ugong.

Paliwanag ng Maynilad, ang water interruption ay dulot ng isasagawang emergency leak repair sa kahabaan ng Commonwealth Corner Don Jose.

Nanawagan naman ang water concessionaire sa kanilang mga customer na panatilihin ang pag-iimbak ng tubig at maging handa sa biglaang pagkaantala ng water supply. —sa panulat ni Joana Luna

Image Image

Image

Image

About The Author