dzme1530.ph

Ilan pang solusyon sa food security, inilatag ng Alyansa bets

Loading

Sa kanilang paglapag sa San Jose del Monte City sa lalawigan ng Bulacan, inilatag pa ng ilang senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang kanilang mga programa para sa food security.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Senador Ramon Bong Revilla Jr na dapat tiyaking walang Pilipinong magugutom kaya’t kailangang palakasin ang food security policies.

Binigyang-diin ni Revilla na dapat paglagakan ng malaking pondo ang sektor ng agrikultura upang maisulong din nag modernisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya.

Bukod dito, iginiit ng senador ang panngangailangan ng pagpapalawak ng financial aid at infrastructue projects kabilang na ang farm-to-market access at matiyak ang tamang presyo para sa mga local local producers.

Iginiit naman ni dating Interior Secretary Benhur Abalos ang decentralized approach sa mga local government units na naranasan niya noong siya pa ang mayor ng Mandaluyong kung sana sila mismo ang bumibili ng sobrang ani ng mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.

Kung ganito anya ang mangyayari ay magkakaroon na ng ready market ang mga magsasaka.

Maaari rin anyang magbigay ang gobyerno ng puhunan at mas kayang crop insurance sa mga magsasaka.

Iginiit naman ni Makati City Mayor Abby Binay ang pangangailangang pagtutok sa irigasyon upang matiyak ang maayos na lupa para sa mga magsasaka.

About The Author