Exempted na rin sa election spending ban ang ilan pang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang kinumpirma ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez bukod sa una nanag napagbigyan na SLP-Cash Assistance para sa rice retailers.
Ayon kay Lopez, pinayagan na rin ng Commission on Elections (COMELEC) na maipagpatuloy hanggang Oktubre, sa kabila ng paparating na eleksyon, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program; Food Stamp Program; Tara, Basa! Tutoring Program; Oplan Pag-abot; Project Lawa; Social Pension Program; Centenarian Program; at Supplemental Feeding Program.
Kabilang din sa mga napahintulutan ang patuloy na paggamit ng kagawaran sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BANGUN); Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAPH); Kalahi-CIDSS; Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program; Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP); at ang psychosocial care at support para sa persons living with HIV at kanilang pamilya.
Targeted Cash Transfer Program (TCT); MNLF Transformation Program; Beneficiary First Project; Residential and Non-Residential Care Program; Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project; Socio-Economic Program for Normalization of the Commissioned Combatant; at Modified Shelter Assistance Project.
Tiniyak din ng DSWD na tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad, early recovery and rehabilitation programs, at iba pang programa para sa mahihirap at marginalized sector. –sa panulat ni Jam Tarrayo