dzme1530.ph

iKON balik ‘Pinas ngayong Abril 7

Nakatakdang magtanghal sa bansa ang Korea Pop Boy band na iKON bilang bahagi ng kanilang ‘2024 iKON Limited Tour – Get Back in Manila’ concert.

Gaganapin ang nasabing concert ngayong Abril 7 sa Smart Arenata Coliseum sa Quezon City.

Hindi naman makakasama si Kim Jin-hwan na mas kilala bilang JAY sa nasabing concert dahil tinatapos pa nito ang kanyang mandatory military service sa South Korea.

Kabilang sa mga sikat na awiting pinasikat ng grupo ang Airplane (2015); My Type (2015); What’s Wrong? (2015) at Dumb & Dumber (2015).

Huling nagtangal ang grupo sa Pilipinas noong Agosto 2023 na bahagi ng ‘Take Off’ tour.

About The Author