Nilagdaan na ng Pilipinas at Japan ang loan agreement para sa third tranche ng Official Development Assistance (ODA) sa Metro Manila Subway Project na kauna-unahang underground railway system sa bansa.
Pinirmahan ng Department of Finance at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang loan deal na nagkakahalaga ng ¥150-B o ₱55.37-B.
Ang first tranche na nagkakahalaga ng ₱47.58-B ay nilagdaan noong March 2018 habang ang second tranche na ₱112.87-B ay pinirmahan noong February 2022.
Ang third tranche ng loan ay mayroong interest rate na 0.30% per year at 0.20% per annum na consulting services.
Maaaring bayaran ang utang sa loob ng 40 taon at mayroong grace period na 10 taon.