Nagsimula nang maglayag ang ikatlong civilian mission sa West Philippine Sea na inorganisa ng Atin Ito Coalition.
Sa Facebook post, sinabi ng volunteers na umalis sila ng Maynila, kahapon, lulan ng M/V Kapitan Felix Oca patungong El Nido, Palawan.
Kaparehong barko ang gagamitin para sa civilian mission patungong West Philippine Sea, pagdating nila sa Palawan ngayong Lunes.
Magsasagawa muna ng pre-departure musical event sa El Nido bago muling maglayag patungo sa bisinidad ng Pag-asa Island kung saan gaganapin ang “sea concert.”
December 2023 nang makumpleto ng grupo ang unang supply mission, kung saan isa sa kanilang mga bangka ang nakalusot sa mga nakaharang na barko ng China, patungong Lawak Island.