![]()
Ipinadala ng pamahalaan kaninang madaling araw ang ikatlong chartered flight para maiuwi ang mga Pilipino mula sa Middle East.
Bahagi ito ng ongoing repatriation efforts ng gobyerno sa gitna ng lumalalang kaguluhan sa rehiyon.
Lulan ng B777-300 plane ang ilang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), gaya nina Dominique Rubia-Tutay at Vennie Legaspi, na mag-a-assist sa repatriation ng overseas Filipinos.
Ang pinakabagong misyon ay kasunod ng dalawang naunang flights na dumating nitong nakaraang weekend.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia, nasa isanlibong OFWs na ang nakauwi sa bansa sa pamamagitan ng chartered flights na isinagawa ng pamahalaan.
