Posibleng ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa sa pinakamaiksi simula nang mag-umpisa ang tradisyon, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa pagtaya ni Romualdez, posibleng tumagal lamang ng 45 minuto ang talumpati ng Pangulo, na magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Si dating pangulo at ngayo’y house deputy speaker at Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang nakapagtala ng pinakamaikling SONA na mayroong 1,556 words.
Ang average duration ng siyam na SONA ni ginang Arroyo ay tinaya sa 50 minuto.