dzme1530.ph

Ikalawang impeachment complaint laban kay VP Duterte, isasampa ngayong Miyerkules

Sasampahan ng panibagong impeachment complaint sa Kamara si Vice President Sara Duterte, ngayong Miyerkules, na ang mag-e-endorso ay ang Makabayan bloc.

Sinabi ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na pursigido ang iba’t ibang sektor na maging bahagi ng pagsisimula ng pormal na proseso ng pagpapatalsik kay VP Sara.

Naniniwala si Manuel na mayroon pang panahon para matalakay ang impeachment complaint laban kay Duterte ngayong 19th Congress, at makakakuha ng kinakailangang boto sa House of Representatives.

Ito ay sa kabila ng naunang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga kaalyado sa karama na huwag nang magsampa ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Pangungunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang paghahain ng impeachment case laban kay VP Sara ngayong araw bunsod ng umano’y confidential funds misuse.

Una nang naghain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente ang civil society organizations noong Lunes, na inendorso ng Akbayan party-list. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author