dzme1530.ph

Ikalawang C-130 plane na na-acquire ng Pilipinas mula sa US, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang ikalawang C-130 plane na na-acquire ng Pilipinas sa pamamagitan ng U.S Foreign Military Financing Program.

Ayon sa Philippine Air Force (PAF), lumapag ang C-130H na may tail number 5157 sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Sinalubong ito ng water salute, na isang nakaugaliang tradisyon para sa mga air craft ng PAF na lalahok sa serbisyo

Sinabi ng PAF na palalakasin ng C-130H ang cargo airlift fleet, pati na ang humanitarian assistance, disaster relief operations, at iba pang military missions

About The Author