dzme1530.ph

Ikalawang bugso ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo, ipinatupad ngayong Huwebes

Loading

Umarangkada muli ang ikalawang bugso ng malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong Huwebes.

Gaya ng ipinatupad sa unang bugso noong Martes, ₱1.75 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.

₱2.60 naman sa diesel habang ₱2.40 sa kerosene.

Hinati sa dalawang tranches ang big time oil price hike ngayong linggo matapos pagbigyan ng mga kumpanya ng langis ang hiling ng Department of Energy.

 

 

About The Author